Tuesday, August 16, 2011

love liffe

Ilang araw na din ako nag-bablog, marami-rami na rin akong naisulat tungkol sa kung anu-anong bagay. Mula sa mga anomalyang nangyayari sa Pilipinas, sa nalalapit kong pag-explore ng Cebu hanggang sa kalokohan ng pag-ibig at mga kasawian ko dito. May maisulat lang ba.
So ano na naman kaya ang isusulat ko ngayon? Hmm. Hunyo. Buwan ng kasalan (ok, kasawian na naman!) I can’t help it, yan ang mga pangyayaring nakapaligid sa akin ngayon. Kasalan d’yan, kasalan d’on. Ako na lang yata ang bukod-tanging naglalaway sa ideya na yan! Nakakatawa!
Nung high school ako, meron kaming nabuong barkadahan. Lahat kami sa grupo ay mga promising ladies (haha, promising talaga!) Kidding aside, mga bright kasi ang mga ito, at lahat sila’y mga di makabasag pinggan (ewan ko ba kung paano ako nakasali sa grupo na to, e hindi lang pinggan ang binabasag ko.) At dahil dyan, sila na! Sila na talaga ang mga pansinin sa batch! Mapa-higher level o pedopilya, nahuhumaling sa kanila. Hinakot na nila ang lahat ng awards! Bongga ‘di ba! Pero tatlo sa amin (una, maganda naman siya at matalino rin pero may katabaan. Pangalawa, bakla. Ako ang pangatlo – makapal ang kilay, may braces, payat) Kami ang mga walang love life!
Madalas, telebabad kami sa telepono. Uso pa nun ang three-way conference. Walang araw na hindi kami nagtanong kung bakit wala kaming pag-ibig sa school. Isang tanong na hindi ko makalimutan, pero hindi ko rin masagot – Panget ba tayo? Lols. Feeling ko hindi naman, talagang choosy lang kami HAHA.
Kaya naman kapag may after school hangouts kami at ang mga manliligaw/boyfriends na nila ang napag-uusapan, nananahimik kami sa isang tabi. Kunwa-kunwaring nakikinig o kaya busy-busyhan sa pagtetext.
Sa araw na ‘to, karamihan sa barkada namin ang engaged na, kung hindi man, tali na. Kaming tatlo? Well, trabaho ang love life namin. Si una, nasa States na at nagnunurse doon, nagpapayaman. Single pa rin. Si pangalawa, O.R. nurse. Single din. Ako? Eto, pa-petix petix lang at syempre, single rin. MOMOL group, yan ang itatawag ko sa secret society namin. Make-out make-out lang.
Pero hindi naman kami naging single forever. Hindi naman kami kauri ni Imang na walang singpanget. Pero ang mga relationships namin, lahat fail. Well, lost nila yun. Chura ha!
Early next year, magchuchurch wedding na ang isa naming kaibigan sa boyfriend niya for 10 years. Akalain mo yun! Yun at yun lang ang naging boyfriend n’ya. Sa sampung taon nilang pagsasama, kaming tatlo ay nagpapaligsahan naman kung ilang lalaki ang mahuhumaling sa ‘min. Ang saya ‘di ba?
Ini-imagine kong maglalakad din ako papunta sa altar, at sasalubong sakin ang pinakagwapong lalaking baliw na baliw sakin. Hanggang sa oras na ‘to, imagination pa rin yan. HAHA. Funny how weddings always make me cry. Nung kinasal ang kapatid ko, humahagulgol ako. Daig ko pa ang nanay ko sa iyak. (Classic! Hahaha) I have no idea why, but maybe because…. yan ang biggest dream ko. TO BE A LAWFULLY-WEDDED WIFE! Chos. What a funny thought.
O siya, maghahanap na muna ako ng tutupad ng pangarap kong jackpot. HA!

sarit saring alamin

Samu’t saring balita ang mga naganap at nangyari sa ating bansa nitong nakalipas na dalawang linggo. Mula sa pagpapatupad at pagpapaigting ng batas sa paninigarilyo, sa mga anomalya sa PCSO, PNP at PAGCOR, hanggang sa pagtanggal ng mga “sexy billboards” sa EDSA na hinihinalang magiging dahilan ng sakuna o disgrasya sa lansangan.
Kung ating susuriin at pakaiisipin, malawakan ang nagaganap na disgrasya at sakuna sa ating mga lansangan. Hindi lilipas ang linggo na walang bus na sumalpok sa gutter o nahulog sa bangin na kinasawi ng maraming inosenteng tao. Mga motorista na bumangga sa mga sasakyan dahil sa kalasingan o sumalpok sa kasunod na jeep dahil inaantok. Napakaraming dahilan na kung ating iisa-isahin ay nakakatanga na at nakakasawa. Napagdiskitahan ang mga bagay na hindi naman totoong dahilan ng mga sakuna bagkus ay ang taong ito ay may inggit sa katawan dahil hindi siya naging modelo o maaaring siya ay may “dugong berde” at tipo niya ang mga barakong akala mo ay mga Adonis sa ka-machohan.
Bakit hindi natin idamay ang mga naglalakihang posters ng mga pulitiko na binabandera ang mga proyektong kanilang ginawa na kung ating iisipin ay tayo rin ang nagpagawa sapagkat ang perang ito ang buwis na kinaltas sa ating mga sahod na nakakasuklam na kinukurakot pa ng mga “buwayang pulitiko” at binubulsa ang ibang pera na dapat ay tinulong na rin kasama ng proyekto.
Sa aming lugar sa Tondo, makikita mo ang mga naglalakihang posters ng mga pulitiko na nakahambalang sa kalsada at minsan nakakabit sa mga kawad ng kuryente o minsan sa mismong poste na maaring maging sanhi ng sunog o sumabit sa mga sasakyan na maaaring ikapahamak ng mga tao.
Sana maging sensitibo tayo sa lahat ng bagay na hindi lamang kung ano ang nakikita natin ang dapat pansinin, may pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama pa tayo na maaaring gamitin at magiging instrumento hindi lamang sa pagtuklas ng kaalaman na makakatulong sa pag-unlad ng bansa, bagkus ito ay kasangkapan natin sa pagsugpo ng kasamaan tulad ng kuropsyon, kriminalidad at droga na siyang nagiging dahilan ng pagkasira ng mga buhay lalo na ng mga kabataan na ating pag-asa sa kaunlaran at kapayapaan.

bawal magsalita ng tagalog sa skul ng mga filipino whahhhhh

Naaalala ko pa noong nasa elementarya pa ako, mahigpit na ipinagbabawal sa klase namin na magsalita sa wikang Tagalog sa ibang mga subjects namin. Kapag nahuli ka o narinig ng mga sipsip sa teachers na officers ng klase na nagsalita ng Tagalog ay siguradong papapel ang mga ito at isusumbong ka sa teacher. Naaalala ko rin na isinusulat pa sa black board kung ilang salitang Tagalog ang nabanggit mo, at kung ilan ang matala ay siya ring ibabawas sa score mo sa mga magiging pagsusulit. Ganyan ang nagiging parusa noon sa aming klase kapag nagsasalita ng Tagalog sa mga subjects na English lamang ang dapat na ginagamit.
Pero tila talagang pera-pera na ang takbo ng ating buhay ngayon at pati ang pagsasalita ng sariling nating wika ay pinagkakaperahan na rin. Mayroong ibang paaralan ngayon ang nagpapamulta sa mga estudyanteng nagsasalita sa wikang Tagalog sa halip na Ingles. Ang masaklap pa dito ay nagaganap ito sa mga pampublikong paaralan pa na alam naman natin na karamihan ng mga estudyante ay kapus-palad. Sa halip na magamit ng mga estudyante ang pera upang ipandagdag sa pambili ng pagkain ay napupunta pa sa pagmumulta dahil nakapagsalita sila ng Tagalog.
Nakakalungkot lamang isipin na pati ang paggamit ng sariling wika ay kailangan pang ipagmulta. Oo nga at hangarin ng mga guro na matuto ang mga estudyante na magsalita sa wikang Ingles dahil napakahalaga nga naman na matutunan ito lalo na sa ganitong panahon, pero maaari namang limitahan ang pagsasalita ng mga estudyante ng Tagalog sa tamang paraan. Kung magsalita man sila sa wikang Tagalog sa mga subjects na Ingles ang dapat na gamitin ay mayroon naman sigurong ibang paraan para maparusahan sila hindi yung pagbabayarin pa ang mga bata. Mga guro po kayo kaya alam naman siguro ninyo kung paano ang mabisang paraan para hindi na umulit pa ang mga estudyante sa pagsasalita ng Tagalog.
Nabalitaan ko na pinaiimbestigahan na ngayon ng isang kongresista ang pinapairal sa ilang paaralan na pagmumulta sa sinumang estudyante na nagsasalita ng Tagalog. Inihain na rin ang House Bill No.1567 na layuning maituwid ang maling pamamaraan ng mga guro na magturo ng Ingles. Si Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino ang may akda nito. Sinabi ng mambabatas na dapat maimbestigahan sa Kamara ang pagpapataw ng multa sa bawat estudyanteng nagsasalita ng Tagalog sa halip na Ingles.
Ngayong buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang “Buwan ng Wika”, kasabay sana nito ay ipatupad rin natin ang pagmamahal sa sarili nating wika at hindi tila ipinagbabawal pa na gamitin ito. Maraming paraan upang matuto ang mga estudyante na magsalita sa wikang Ingles at hindi ang pagbabawal na magsalita sa wikang Tagalog ang isa sa mga ito. Isa pa ay hindi magandang halimbawa na mismong ang mga guro pa ang nagpapatupad ng ganitong gawain.
Tayo ay mga Pilipino at nararapat lamang na mahalin natin ang sarili nating wika.

Sunday, August 7, 2011

music player

nigel music
▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄

.ılı.---------Volume---------.​ ılı.
▄ █ ▄ █ ▄ ▄ █ ▄ █ ▄ █ █ ▄
Min- - - - - - - - - - - - - - -●Max
...► Play | ▌▌Pause | ■ Stop

▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄

♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ...

╔══╗♫
║██║
║(o) ║ |♫| Music is everything |♫|
╚══╝