DIFFERENCE BETWEEN MAYAMAN AND MAHIRAP (from Drew & KC)
- Kung mayaman ka, meron kang "allergy"; Kung mahirap ka,ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang".
- Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress". Sa mahirap, "sira ang ulo".
- Sa mayamang "malikot ang kamay" ang tawag ay"kleptomaniac"; Sa mahirap, ang tawag ay "magnanakaw" o "kawatan"
- Pag mayaman ka, you're "eccentric"; Kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo" o "may topak" o "may sayad".
- Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine". Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom";
- Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is"scoliotic". Pero kung mahirap ka, ikaw ay "kuba";
- Kung ang senorita mo ay maitim, ang tawag ay "morena" o "kayumanggi". Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay"ita" o "negrita" o "baluga";
- Kung nasa high society ka, you are called "slender" o balingkinitan"; Kung mahirap ka lang, you are plainly called"payatot" o "patpatin" o "ting-ting".
- Kung nasa high society ka pa rin at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay "petite"; Kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot" o "unano".
- Kung socialite ka, ikaw ay "pleasingly plump"; Kapag mahirap ka at ika'y "mataba", "tabatsoy" o "lumba-lumba", pag minamalas ka,"baboy".
- Kung well-off ka, at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay"game"; Kung mahirap ka ikaw ay "pakawala".
- Kung mayamang alembong ka ang tawag sa iyo ay "liberated"; Pero kung isa kang dukha ang tawag sa iyo "malandi".
- Kung may pera ka ang tawag sa iyo "single parent"; Pero kung wala kang trabaho ang tawag sa iyo "disgrasyada".
- Health conscious ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain; Habang kakaawa ang mahirap na kumakain ng ganito.
- Sa exclusive school, "assertive" ang mga batang sumasagot sa mga guro. Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sakanila ay "walang hiya".
- Ang mayamang tumatanda, "are graduating gracefully into senior citizenhood"; Ang mga mahihirap ay "gumugurang".
- Ang anak ng mayaman ay "slow learner"; Ang anak ng mahirap ay"bobo" o "gunggong".
- Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says, "masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking"; Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself na ikaw ay "patay-gutom" o "hampaslupa" o "masiba".
- Kung boss ka at binabasa mo ito sa PC mo, "okay lang"; Pero kung ikaw ay hamak na empleyado lamang, ikaw ay "nagbubulakbol".
No comments:
Post a Comment